Talagang masakit ang pigsa. Ang pigsa o boil ay isang skin infection sa hair follicle or skin gland. Namamaga ang bahaging tinubuan at nagkakaroon ito ng pus na nasa loob. Ang mga parte ng katawan na karaniwang apektado ng pigsa ay ang mukha, anit, kilikili, bandang puwit, at singit. Ang pigsa ay mayroong mababaw at malalim ang pagkatubo.
Karaniwan, ang pigsa ay may tinatawag na mata, at kapag nahinog ito, ay puputok at lalabas ang nana. Napakadali din nitong kumalat sa ibang parte ng ating katawan. Narito ang mga pansamantalang lunas na pwede mong gawin.
Sintomas na ang namagang parte ng katawan ay Pigsa
Pamamaga at Pamumula
Pagkakaroon ng Matigas na Bukol
Sakit at Pagkirot
Pagbuo ng Nana
Pus o Nana
Pangangati
Pagkakaroon ng Sugat o Butas
Pagkakaroon ng Fever o Lagnat
Pagkakaroon ng Pagod o Pagkahapo
Pagkakaroon ng Multiple Boils (Carbuncles)
Pagkakaroon ng Red Streaks
Mga dapat gawin kapag may Pigsa
1. Pwede kang mag-hot compress. Maglagay ng mainit na tubig sa isang boteng babasagin at gawin itong hot compress sa lugar ng pigsa sa loob ng fifteen to twenty minutes. Maaari itong gawin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
2. Linisin at sabunin ang balat ng isang antibacterial soap ng dalawang beses sa isang araw.
3. Pahiran ng antibiotic ointment ang pigsa at takpan ito ng gasa o ng band aid para maiwasan ang pagkalat nito.
4. Maghugas ng kamay madalas.
5. Palitan ng madalas ang mga nadidikit sa katawan, gaya ng tuwalya, punda ng unan, kumot, at mga sapin sa higaan.
6. Huwag putukin o sugatan ang pigsa. Kapag pinisa mo ang pigsa at kumalat ang pus sa paligid nitong mga balat, maaaring tumubo muli roon ang iba pang pigsa.
Ipinapayo ko rin na agad na kumunsulta sa doktor kung ang pigsa ay nasa mukha, kung masyado itong masakit, at ikaw ay nilalagnat na, at may mga maraming guhit na pula sa paligid ng pigsa dahil sa sobrang pamamaga. Kung ganito na ang iyong nararamdaman, ang pagkonsulta sa doktor ay nararapat na.
Ang doktor ang pwedeng magperform sa pag-alis ng pus sa pigsa sa paraan ng incision and drainage. Magrereseta rin ang doktor ng angkop na antibiotic. Ang antibiotic ay ibinibigay para labanan ang impeksyon o ang bacteria na tinatawag na Staphylococcus aureus. Mayroong angkop na antibiotic sa bawat sakit, at hindi po tayo pwedeng uminom ng kahit anong antibiotic para sa bawat sakit. Mayroong karapat-dapat na antibiotic.
Sa pag-inom din ng antibiotic, dapat tama ang dosage nito, at kung ilang beses iinumin sa isang araw. At kung sinabi ng doktor na pitong araw dapat inumin, gawin ito kahit na magaling na ang iyong nararamdaman. Ang pag-inom ng antibiotic para sa pigsa ay para maiwasan na ang pagkalat ng pigsa at mamatay na ang bacteria sa katawan.
Iba pang mga babasahin
Gamot sa Pigsa na nabibili sa Botika
Ano ang Mabisang gamot sa Pigsa para hindi bumalik