Sa puwet, maraming surgical condition ang maaaring mangyari. Isa sa pinakamost common ang pigsa sa puwet, na siyang infection sa anal glands. Ang mga glands na ito ay naglulubricate sa area para hindi tayo mahirapan sa pagdumi. Napapansin na ang puwet natin ay mas basa kaysa sa ibang parte ng katawan dahil sa mga glands na ito. Ang area na ito ay very prone sa infection.

Ano ba ang tinatawag natin na Pigsa?

Ang pigsa ay isang abscess, na ibig sabihin nana o infection sa paligid ng puwet. Kailangan itong ilabas sa pamamagitan ng surgery o drainage. Kung hindi gagawin ito, maaaring maghanap ang nana ng sarili nitong daanan palabas, at minsan ay bigla na lang itong puputok. Kadalasan, hindi nagiging okay ang pasyente dahil ang daanan ng nana ay nagiging chronic, na tinatawag nating chronic anal fistula. Mayroong koneksyon ang loob ng puwet sa labas, sa balat sa paligid niya.

Ano ang mga sintomas ng pigsa sa pwet o fistula

Ang sintomas ng fistula ay mayroong parang dimple o maliit na butas sa paligid ng puwet, malapit sa mismong butas ng anal opening. Ang butas na ito ay nag-i-drain ng nana, oil, o mucus at laging may impeksyon na hindi mawala-wala. Minsan may konting dugo, pero ang butas na yun ay laging nandun. Minsan, humahanap pa siya ng ibang daanan, nagkakaroon ng isa, dalawang butas, hanggang sa dumadami siya over the years.

Kaparehas ng ibang pigsa ang mga common na sintomas ng pigsa sa pwet

-Pamamaga
-Pamumula
-Pagsakit
-Pagkakaroon ng matigas na bukol
-Paglabas ng nana
-Pagkakaroon ng init sa paligid ng pigsa
-Pagkakaroon ng lagnat
-Pangangati sa paligid ng apektadong lugar
-Pagiging sensitibo sa paghipo
-Pagkakaroon ng mala-sugat na butas sa balat

Narito ang isang halimbawa ng pigsa sa pwet.

Paano gamutin ang pigsa /fistula sa pwet?

Sa fistula, wala masyadong magagawa sa pamamagitan ng home remedy dahil may impeksyon ito at gumagawa ng abnormal na daanan ang nana. Talagang surgical ang solusyon dito. Ang ginagawa ng doktor sa fistula ay binubuksan ang kanal na infected at ino-open up para makadrain properly ang impeksyon hanggang sa lubusan itong matuyo.

Ang dahilan ng fistula ay hindi dahil sa constipation. Ang pinagmumulan ng impeksyon ay dahil sa mahairang area ng anal glands sa paligid ng puwet.

Paano gamutin gamit ang Home remedies para sa pigsa sa Pwet

Ang paggamot sa pigsa sa puwet ay mahalaga upang maiwasan ang paglala ng impeksyon at discomfort. Una, linisin nang mabuti ang apektadong lugar gamit ang maligamgam na tubig at banayad na sabon upang alisin ang anumang dumi at bacteria. Pagkatapos, maglagay ng warm compress sa pigsa nang 10-15 minuto, tatlong beses sa isang araw, upang mapabilis ang paglalabas ng nana. Ang paggamit ng over-the-counter antibiotic ointments tulad ng Neosporin o Bacitracin ay makakatulong din sa pagpatay ng bacteria at pag-iwas sa karagdagang impeksyon. Mahalaga ring panatilihing malinis at tuyo ang lugar upang maiwasan ang pagkakaroon ng irritasyon at karagdagang impeksyon.

Kung ang pigsa ay patuloy na lumaki, sobrang sakit, o may kasamang lagnat, kinakailangang magpatingin sa doktor. Ang doktor ay maaaring magreseta ng oral antibiotics o magdrain ng pigsa kung kinakailangan. Sa kaso ng recurrent o chronic na pigsa, mahalagang alamin ang ugat ng problema, tulad ng weakened immune system o underlying health conditions, upang maiwasan ang pag-ulit nito. Huwag din susubukang tusukin o pisilin ang pigsa dahil maaaring lumala ang impeksyon at magdulot ng komplikasyon tulad ng cellulitis o abscess. Ang pagsunod sa tamang hygiene practices at pag-iwas sa mga factors na nagdudulot ng impeksyon ay makakatulong sa pagpigil sa pagbuo ng pigsa sa puwet.

Iba pang mga babasahin

Pigsa (Boil) at Folliculitis – Paano gamutin at iwasan

Paano gamutin ang Pigsa na walang Mata

Paano gamutin ang Pigsa

Lunas at gamot sa Pigsa – Tips para mawala ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *