Ang pigsa sa singit ay isang masakit na impeksyon sa balat na karaniwang dulot ng bakterya, tulad ng Staphylococcus aureus. Nabubuo ito kapag ang hair follicle o oil gland sa singit ay nagiging impeksyon, na nagreresulta sa pamumuo ng nana sa ilalim ng balat. Dahil sa lokasyon nito, ang pigsa sa singit ay maaaring maging labis na hindi komportable, lalo na dahil sa pagkikiskisan o paggalaw ng mga hita. Ang unang senyales ng pigsa ay madalas na pulang bukol na masakit kapag hinawakan.

Habang tumatagal, ang bukol na ito ay lumalaki at napupuno ng nana, na maaaring magdulot ng matinding sakit at pamamaga. Bagamat ang pigsa ay karaniwang nawawala nang kusa, ang ilang kaso ay nangangailangan ng medikal na interbensyon upang maiwasan ang mga komplikasyon, tulad ng pagkalat ng impeksyon sa kalapit na tisyu o sa bloodstream. Ang pagpapanatili ng kalinisan at tamang hygiene ay mahalaga upang maiwasan ang paglitaw ng pigsa sa singit.

Paano nakukuha ang pigsa sa Singit

Unang-una, tanong yan kung gaano katagal na ito at gaano kadalas ba ito. Minsan, diabetes, kung diabetic ka, you are prone to it. Minsan naman yung lifestyle mo, for example, palagi kang kulong, yung area ng genital area yan, for example, pawisin ka rin, so there is masturation of the skin at saka yung trauma dahil naka-jeans ka ng matagal.

Tapos yung mga pulis, yung mga nasa outdoor ang trabaho, they are prone to sweating, so lahat yun are factors to consider yung increase ng bacteria sa balat. Tutubo ang mikrobyo, fungus kalaban dun, bacteria kalaban dun, and you scratch, so nagkakaroon ng break ng skin, papasukan ngayon ito ng bacteria at isa dun ay pwedeng maging pigsa.

So kung pabalik-balik ito, siguro kailangan icheck na kung ano yung mga factors na pwedeng dahilan kaya balik-balik siya.

Ang pigsa ay makirot, masakit, mapula, may nana, mabilog, so kailangan ba ng antibiotic na tableta pag pigsa o pwedeng mga topical? Ayun din yun, number one, kung maliit lang ito, ibig sabihin siguro lesden eh monggo size, minsan topical ka lang, pero kung ito ay more than one cm na at ikaw ay nilalagnat na, nagkaroon ng kulani sa singit mo, ibig sabihin systemic na yung infection mo or yung reaction mo. Minsan kailangan mo na ng tablet kasi it can prolong the healing.

Ano magandang antibiotics sa pigsa sa singit?

Mga topical din, yung mga povidone-iodine, o kaya neomycin, o kaya mupirocin, yan mga topical antibiotics, tsaka cleaning. And then keep the area dry.

Mag-iingat ba sila sa paggamit ng mga panty liner or braids na very tight, masisikip? May koneksyon ang panty liner minsan, oclusive eh, so yung sweating mo naiipon ng matagal doon sa napkin, so it can also add to the warmth and to the moisture, so minsan yun yung dahilan. At saka yung rubbing ng skin mo at saka yung panty liner or yung napkin, kaya kadalasan nga ito nangyayari sa mga menstruating after the menstruation kasi natagal na may gamit ng napkin o kaya yung mga elderly naman kung may diabetes or kaya scratching yung part ng singit na affected.

Mga gamot sa Pigsa sa Singit

1. Over-the-Counter (OTC) Antibiotic Ointments

Mupirocin (Bactroban)

Isang topical antibiotic na karaniwang ginagamit upang labanan ang impeksyon ng bakterya. Inilalagay ito sa pigsa matapos itong linisin upang makatulong na mapuksa ang bacteria at mapabilis ang paggaling.

2. Pain Relievers

Ibuprofen (Advil, Motrin)

Isang non-steroidal anti-inflammatory drug (NSAID) na tumutulong na mabawasan ang pamamaga at pananakit na dulot ng pigsa.

Paracetamol (Tylenol)

Tumutulong na mabawasan ang sakit at discomfort na dulot ng pigsa.

3. Antiseptic Solutions

Hydrogen Peroxide

Maaaring gamitin upang linisin ang pigsa at paligid nito upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.

Betadine

Isang antiseptic solution na maaari ring gamitin upang linisin at disinfect ang apektadong lugar.

4. Oral Antibiotics

Cephalexin (Keflex)

Maaaring ireseta ng doktor kung malala ang pigsa o kung ito ay hindi gumagaling sa mga topical na gamot.

Clindamycin

Isa pang uri ng oral antibiotic na maaaring gamitin sa mas malalang kaso ng pigsa, lalo na kung ang impeksyon ay hindi tumutugon sa ibang antibiotics.

5. Home Remedies

Warm Compress

Ang paggamit ng warm compress sa pigsa nang ilang beses sa isang araw ay nakakatulong sa pagpapabilis ng paglabas ng nana at pagbawas ng sakit.

Tea Tree Oil

Kilala sa antiseptic properties nito, maaaring ilapat ang tea tree oil sa pigsa gamit ang cotton ball upang makatulong na labanan ang impeksyon.

Halimbawa ng Hospital sa Mandaluyong para sa may Pigsa

The Medical City

  • Address: Ortigas Ave, Pasig (malapit sa Mandaluyong)
  • Contact: (02) 8988-1000

Mandaluyong City Medical Center

  • Address: EDSA, Wack-Wack, Mandaluyong
  • Contact: (02) 5310-7000

Ospital ng Mandaluyong

  • Address: Maysilo Circle, Mandaluyong
  • Contact: (02) 5310-0700

Victor R. Potenciano Medical Center (VRP Medical Center)

  • Address: 1238 Boni Ave, Mandaluyong
  • Contact: (02) 5318-0000

City of Mandaluyong Health Office

  • Address: City Hall Compound, Mandaluyong
  • Contact: (02) 5310-7000

Iba pang mga babasahin

Ilang araw tumatagal ang Pigsang dapa?

Paano gamutin ang Pigsa sa Paa

Nakamamatay ba ang Pigsa

Bakit tumutubo ang pigsa sa katawan: Mga dahilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *