Ang topic natin ngayong araw na ito ay pigsa at paano gagamutin ang pigsa. Ang pigsa ay galing sa bacteria ng Staphylococcus na nakatira sa ating balat. Ang pigsa ay yung mapula at may nana na tumutubo sa mabuhok na parte ng ating katawan katulad ng kilikili at mga binti.

Bakit nagkakaroon ng pigsa?

Ang bacteria na pangunahing nagdadala ng pigsa ay ang Staphylococcus aureus. Ang Staphylococcus aureus ay karaniwang matatagpuan sa balat at ilong ng mga tao. Sa ilalim ng normal na kondisyon, hindi ito nagdudulot ng problema. Gayunpaman, kapag ang bacteria na ito ay nakapasok sa katawan sa pamamagitan ng maliit na sugat, gasgas, o butas ng buhok, maaari itong magdulot ng impeksyon na nagreresulta sa pigsa.

Ang pigsa ay nagsisimula bilang isang masakit na bukol na namumula at namamaga. Habang lumalalim ang impeksyon, ang lugar na ito ay napupuno ng nana, na isang kombinasyon ng patay na bakterya, mga puting selula ng dugo, at mga nasirang tissue. Ang pagsisikip ng balat dahil sa nana at ang pagtaas ng presyon sa ilalim ng balat ay nagdudulot ng matinding sakit. Ang immune system ng katawan ay tumutugon sa impeksyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga puting selula ng dugo upang labanan ang bacteria, ngunit habang ginagawa ito, ang nana ay nabubuo, na nagiging sanhi ng mas malaking pamamaga at pagkirot.

Ano ang gagawin kung merong pigsa?

Eh syempre, kailangan nating maligo araw-araw gamit ang inyong antibacterial soap at kailangan din ay lagi kayong naghuhugas ng kamay palagi.

Tapos ipeprepara natin ang ating warm compress.

Ihanda lang yung gasa, small towel o bimpo, mainit na tubig, at lagyan ng isang kutsarang asin.

Yan ang gagamitin natin sa warm compress.

So kunin mo yung iyong gasa o yung iyong small towel at ilubog sa mainit na tubig at ilagay dun sa inyong pigsa.

Halimbawa ito yung ating pigsa, gagawin niyo to twenty to thirty minutes kada araw, sa mga tatlo o apat na beses sa maghapon, lima hanggang pitong araw niyong iwarm compress ang inyong pigsa.

Ngayon kapag pumutok na ang inyong pigsa, ituloy pa rin ang pagwawarm compress ng mga tatlong araw pa para hindi bumalik ang inyong pigsa.

Pagkatapos niyong magwarm compress, kumuha kayo ng cotton balls tapos kumuha kayo ng maliit. Halimbawa diyan ang inyong pigsa, ilagay diyan yung pinanipis na cotton.

Tapos papatak patakan mo ngayon ito ng providine iodine.

Kailangan manuot ang providine iodine so ibabad mo ganun din mga ten to fifteen minutes, three to four times a day.

Ngayon pag nagawa mo na yan, meron ka pa ring lagnat, lumalaki pa rin yung pigsa o meron kang diabetes, aba eh kailangan mong kumunsulta sa mga doktor kasi ma ang mga doktor nagbibigay ng mga antibiotics katulad ng clock sa celine at mga sa falosporins.

Ngayon kapag tayo ay nagwax o kaya naman eh nagbunot ng mga balahibo halimbawa sa kilikili kailangan lagyan natin ng alcohol pagkatapos kasi nga pag nagshave tayo eh doon papasok ang bacteria dun sa mga sugat sugat dun.

At kapag kayo ay nakagat ng insekto wag ninyong kakamutin dahil dahilan din ito ng impeksyon, lagyan niyo na lang ng alcohol.

Source: https://www.youtube.com/watch?v=lYrl6Ugn7vA

Conclusion

Ang pigsa ay maaaring pumutok at maglabas ng nana, na nagpapababa sa sakit at pamamaga. Subalit, kung hindi ito agad-agad nagagamot o nag-aalaga nang maayos, ang impeksyon ay maaaring kumalat at magdulot ng karagdagang komplikasyon. Ang pagkakaroon ng malinis na katawan at tamang pag-aalaga sa mga sugat ay mahalaga upang maiwasan ang pagpasok ng Staphylococcus aureus at ang pagkakaroon ng pigsa.

Iba pang mga babasahin

Ano ang Mabisang gamot sa Pigsa para hindi bumalik

Gamot sa Pigsa na nabibili sa Botika

Lunas at gamot sa Pigsa – Tips para mawala ito

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *