Minsan pabalik balik ang pigsa sa ulo lalo na ng mga bata. Madali lang kasi pasukin ito ng mga bacteria na dahilan ng pigsa dahil sa mga madumi na kanilang nahahawakan.
Kung sasabihin pigsa ito ay bacterial infection, normally katapat yan ng antibiotic. Pero bago i-confirm na pigsa nga ang tumutubo sa ulo ng isang bata o infected na tao, kailangan din malaman ang mga iba pang bagay, katulad ng may iba pa bang sugat sa katawan bukod sa anit niya, na sa mga kamay o kaya ay sa pusod. Baka we’re dealing with KDS (Kerion Dermatitis Seborrheic). Minsan dito sa mga flexures o kaya extensors, dermatitis pala, pabalik-balik din yan.
Ngayon, to discuss itong skin problem, pag pabalik-balik, pwedeng isipin ang dermatitis na infected, kaya nangnangangati o may sugat. Ang dermatitis, it’s a form of allergy, kaya ang dapat gawin ay iiwasan ang mga nakaka-cause ng allergy na yon. Kung seven months old halimbawa ang bata, hindi pa kumakain, kadalasan sa gatas ng nanay, sa kinakain ng nanay napipick up ng baby sa gatas yung nakakain ni mommy na mga bawal, katulad ng malalansa.
Kaya bawal kay mommy ang mga seafoods, malalansa, itlog, isda, chicken, mga chocolate, honey, yan bawal yan.
Pwede ring bigyan ng cetirizine kung allergy si baby, pag seven months, kadalasan seven kilos, up to 2 times a day for ten days. Kung kailangan mag-antibiotic dahil infected, mag-antibiotic siya. Pwede na ang amoxicillin o kaya cefalexin na drops, kung seven months old. Laging seven days, based on weight ang computation, ang dami ng ibibigay based on weight as computed.
Minsan yang dermatitis, pag madalas, yung recurrent, ay nauuwi sa folliculitis infection ng hair follicle, kung sa anit, na mauwi rin sa pigsa nga, na ang katapat niyan ay antibiotic, for furunculosis o fistula. Minsan ang complication niyan ay pamamaga ng mga kulani, pag yan namamaga, lalo na kung pag hinipo tender, naglilikha ng lymphadenitis, kailangan mag-antibiotic ng seven days.
Ano po ang dapat gawin kung ito ay may bacteria infection, halimbawa infected follicle o kaya ay fistula mismo?
Banlawan yung mga damit na nadadampian ng balat na mayroong sugat, kasi para mamatay yung mikrobyo, kasi may nagko-cause ng infection. Palabahin ang mga damit para mamatay din ang mikrobyo at mag-antibiotic.
Kung topical yung pamahid, bukod sa pinapainom, mupirocin ay mahusay na yan, or gentamicin o kaya mga antibiotic na flamasin.
Ano ang preparation, topical preparations, mga pamahid?
Syempre iwas sa mga nakaka-iritate ng skin, katulad ng mga fabric con sa damit at tsaka yung pagpapapolbo o paggamit ng lotion, kasi mauuwi sa pangangati, kakamutin, maiinfect, ganun din ang kauuwian, kaya iwas sa mga ganung bagay.
At si mommy, mag-hypoglycemic diet at gamutin si baby. Ito tungkol dun sa kaso ng isang seven month old baby na pinag-uusapan ng mommy tungkol sa kanyang pagsusugat sa anit na nagpipigsa daw. Yung may maliit na ana, pero yung nana na na yun ay on top dun sa nagscar na dating pigsa. Ngayon mukha nga na ito ay yung dermatitis na nangangati na nauuwi sa infection ng hair follicle at lumalaki, nagiging pigsa, kaya dapat bumisita sa doktor para mabigyan ng antibiotic.
As usual, don’t forget, iwasan po siya ma-expose sa mga chemicals, yung mga public conditioner, polbo, mga gamit ng kulong, at kung breastfed yung mga pagkain ni mommy, iwasang malalansa para hindi mapick up ni baby sa gatas niya, tapos kakatihin po siya at magsusugat, iwasan po yun.
Narito ang iba pang pwede nating gawin sa Pigsa sa ulo.
Panatilihing Malinis ang Bahagi
Siguraduhing malinis ang pigsa at ang nakapaligid na balat. Hugasan ang apektadong lugar gamit ang maligamgam na tubig at mild soap. Iwasang kuskusin ang pigsa upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon.
Iwasang Kumamot o Pigain
Huwag kamutin o pigain ang pigsa sa ulo dahil maaari itong magdulot ng karagdagang impeksiyon o magpalala ng kondisyon. Ang pagpiga sa pigsa ay maaaring magdulot ng pagkalat ng bakterya sa iba pang bahagi ng ulo o katawan.
Maglagay ng Mainit na Compress
Maglagay ng maligamgam na compress sa pigsa ng 15-20 minuto, tatlong beses sa isang araw. Makakatulong ito na mapalambot ang pigsa at mapabilis ang paglabas ng nana.
Takpan ng Malinis na Bandage
Kung ang pigsa ay nagbukas na o may nana na lumalabas, takpan ito ng malinis na bandage o gauze upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon. Palitan ang bandage araw-araw o kapag ito ay nabasa.
Iwasan ang Paggamit ng Malalakas na Produkto sa Buhok
Huwag gumamit ng malalakas na shampoo, hair gel, o iba pang produkto na maaaring makairita sa pigsa. Piliin ang mild o hypoallergenic shampoo upang maiwasan ang pangangati at iritasyon.
Kumonsulta sa Doktor
Kung ang pigsa ay malaki, masakit, o hindi gumagaling sa loob ng ilang araw, o kung may kasamang lagnat, mahalagang kumonsulta sa doktor. Maaaring kailanganin ng antibiotics o ibang medikal na interbensyon upang maiwasan ang komplikasyon.
Panatilihing Malusog ang Kalusugan ng Katawan
Uminom ng maraming tubig, kumain ng masustansiyang pagkain, at siguraduhing sapat ang pahinga ng bata. Ang malusog na katawan ay mas may kakayahan na labanan ang impeksiyon.
Halimbawa ng Hospital sa Taft na gumagamot sa Pigsa
Philippine General Hospital (PGH)
- Address: Taft Ave, Ermita, Manila
- Contact: (02) 8554-8400
Manila Doctors Hospital
- Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila
- Contact: (02) 8527-0000
Mary Chiles General Hospital
- Address: 1016 Taft Ave, Ermita, Manila
- Contact: (02) 526-7200
St. Luke’s Medical Center – Quezon City
- Address: 32nd St. cor. Rizal Drive, Bonifacio Global City, Taguig (malapit sa Taft)
- Contact: (02) 8789-7700
Manila Medical Center
- Address: 279 Pedro Gil St, Malate, Manila (malapit sa Taft)
- Contact: (02) 523-8121
Iba pang mga babasahin
Mga bawal na pagkain sa may Pigsa
Ilang araw bago gumaling ang Pigsa?
Magkano ang operasyon sa Pigsa sa Pilipinas?