Marami sa inyo nagkaroon ng pigsa o merong pigsa ngayon at Folliculitis. So pigsa, foruncle or boils in English. Pag dumami yun at naging grupo, eh pigsa pa din pero sa Ingles car bangkel. Okay policulitis, ito naman yung may nana na maliliit na mararami. So mag medyo magkakapatid to, mas malaki nga lang tong pigsa kesa dun sa Folliculitis.
Ano ba ang ibig sabihin ng Pigsa sa mga Pinoy?
Pag sinabi nating pigsa, in English or foruncle sa medical term impeksyon yan. So mas malalim yung kanyang impeksyon, nandun din siya sa labasan ng buhok, pero kasama yung mga, tissue o muscle dun sa paligid. Ito ay dahil nagkaroon ng bacteria or tumubo yung bacteria doon sa labasan ng ating buhok so nagka impeksyon. Pwede itong nangyayari sa mukha, kasi di ba mabuhok sa mukha natin, sa leeg, sa binti, sa pwetan madalas may pigsa ang mga tao. Tapos nagkakanana, usually yung laki nung nana niya two centimeters hanggang two inches. Ang pangalan nung bacteria Staphylococcus aureus.
So ano ang mga pwede nating gawin kapag nagkaroon tayo ng pigsa or carbankle, grupo ng pigsa
So pag mag isa ganito pero pag naggrupo yan eh mas malaki pa. Eto normal, ayan lumabas yung ating buhok nagkaroon ng impeksyon. Ito na grupo pigsa pa rin yan.
Okay, so pag meron tayong pigsa ang pwede nating gawin, hugasan mo muna yung lugar na yon hugas din ng kamay. So magsabon tayo banlawan ng kamay, yung lugar na may pigsa hugasan mo rin at banlawan mo.
Kuha ka ng bimpo at sa isang palanggana ay meron kang mainit init na tubig. Dun mo isasawsaw yung iyong bimpo at ihahat compress mo dun sa lugar na may pigsa. Gaano katagal pag hot compress, mga ten to fifteen minutes kung kaya mong gawin three to five times a day kahit two to three times a day kung talagang busy ka. So gawin mo mga ten minutes idadampi dampi mo after ng iyong hot compress several times a day dito mo ilalagay.
Wag niyo hong tutusukin, doktor lang ang pwedeng tumusok niyan kumuha ho kayo ng cotton balls okay. So meron tayong cotton balls pumiraso kayo ng maliit, dun sa maliit example nandito ang ating pigsa. Ipatong niyo diyan yung inyong maliit na cotton ball. Tapos, ito mura lang sa ating mga drugstore ang tawag ho dito providine iodine. May mga generic nito, bibili tayo para siyang kulay toyo at ipapatak natin dun sa ating pigsa.
Dun sa ibabaw ng pigsa na naglagay tayo ng manipis na cotton, ipapatak natin yung ating providine iodine. Ayoko ho yung basta niyo lang ipinahid o ipinintura yung inyong providine iodine. Sayang lang yun, mas gusto natin nakababad ng five minutes. So pag medyo natutuyo na patakan niyo pa ulit. Okay gawin nyo rin ho ito three to five times a day dun sa inyong pigsa after ng hot compress so yan yung mga pwede niyong gawin.
Kailangan lagi ding malinis ang kamay ng mga bata, lalo na kung bata at tayong matatanda. Kasi nga pag nagkaroon ng sugat halimbawa nakagat kayo, kinamot ninyo, ah dun magsisimula yung sugat at nagiging pigsa. So dito importante ang hugas kamay, gumamit ng sariling bimpo, tuwalya, damit lalabhan dapat ng madalas. Wag na hong ulit ulitin ang paggamit ng ginamit ng damit, pati yung kobre kama, pati yung ating mga punda labahan.
Yung iba nga binabandian pa pag marami na talagang pigsa sa buong katawan. Actually yung iba naglalagay din ng di maglagay ho kayo ng alcohol dun sa inyong cotton balls, ipinapahid ho dun sa buong katawan. Pwede rin hong gawin yun though medyo nakakadry lang ng ating skin.
Kapag lumaki yung pigsa nagiging abscess, so wag na nating paabutin na naging abscess yun. At kapag mas lumala pa halimbawa dun sa buong paa, lalo na kung may diabetes or immunocompromise, lumaki na yung pigsa nilalagnat na cellulitis na ang tawag dun.
Sinong mga doktor ang pwede nating puntahan kapag ganoon, pwede ang dermatologist or ang surgeon. Sila na ang mag drainage and incision or ibig sabihin sila lang ang pwedeng tumusok dun sa inyong pigsa. Nakikita din nila yung mga anemic mas laging nagpipigsa so baka mabigyan din kayo ng mga iron tablets para yung anemia niyo eh matulungan. Tapos pwede rin kayong bigyan ng vitamin c five hundred milligram.
Binibigyan din sila ng mga pamahid, pwede rin hong bigyan ng mga pamahid yung mga cream ah music proceed back to ban kung naririnig niyo yun.
At pag malala na nga, magrereseta ang doktor ng mga antibiotics kung amoxiclub or sephalosporin.
Pwede bang butasin ang pigsa?
Oo sinabi natin kanina hindi kayo ang pwedeng magbutas niyan. Doktor lang kung talagang in two weeks ayaw niyang gumaling, pupunta kayo sa doktor ninyo, sila na ang magbubutas niyan. Ang kapatid ng ating pigsa ay polyculate so ganun din siya, impeksyon din dun sa labasan ng inyong buhok dun.
Mas maliliit to tsaka itong bukod sa maliliit mas marami so grupo grupo siya kasi marami tayong buhok . So pag sa bata makikita niyo yan dun sa kanilang anit, pag naman sa mga lalaki kung saan sila nagshave dito sa kanilang baba kung saan nagshashave sila. Sa babae naman, kung nagshashave dun sa maselang bahagi ng kanilang katawan or dun sa may pwerta so pwedeng magdulot yan ng foliculities. So kung saan lumalabas yung buhok yun tawag diyan folicles. Diyaan sa parte nayan kaya nagkakaroon ng pamamaga.
Ano ang pwedeng gawin para makaiwas sa pagkakaroon ng Pigsa?
So ang mga pwede mong gawin eh pwede mong luwagan yung damit mo kasi friction nga ang nangyayari. Di makati, masakit, o kaya nagrarush muna. So pwede mong luwagan yung damit mo, yung pag shave mo kailangan dun sa direksyon ng buhok.
Ang mga lalaki kasi yung ating bigote tsaka dito sa baba pababa yung buhok diyan. So pag nagshave kayo dapat pababa, at sabi nga bago kayo magshave palambutin niyo muna yung hair don. So maghilamos muna kayo before waxing or shaving, pwede kayong gumamit ng shaving cream or coconut oil para mas malambot.
Tapos dun sa mga lugar na bawal marami din kayong policulities, dito sa masisikip na lugar nung inyong damit eh luwagan niyo na yung inyong damit. Kapag nag exercise nagpawis kayo, palitan niyo na at labahan ang inyong damit.
Ngayon uso na yung mga dryware eh di ba so yan yung mga piliin niyo. Tapos yung mga maiinit na pampaligo halimbawa bathtub or public pool iwas na muna yan kasi nagkocause din yan ng foliculate. So syempre talagang paglilinis ng katawan ang kailangan.
Pwede po kayo, pag nagsasabon kayo pwede kayong gumamit ng antibacterial soap or cleanser. Tapos pag masakit yung mga yung may nana pwede ang warm compress diyan three to five times a day five to ten minutes. Pwede niyong gawin pag napakarami na, kanilang dermatologist or kanilang pedetrisyon or ng inyong doktor. So wag kang magpapahiram ng mga grooming items niyo yung mga pang ahit tsaka pag hindi na matalim yung inyong razor palitan niyo na yan kasi magkocause lang yan ng impeksyon.
Iba pang mga babasahin
Lunas at gamot sa Pigsa – Tips para mawala ito
Gamot sa Pigsa na nabibili sa Botika
Ano ang Mabisang gamot sa Pigsa para hindi bumalik