Ang ating pag-uusapan po ngayon ay tungkol sa pigsa. So sa English, ang tawag natin diyan ay boil, para kang nagpakulo ng tubig, di ba? Ganun din eh, boil. Pag marami, ang tawag mo, boils. Pero medical term po sa pigsa ay furuncle, F-U-R-U-N-C-L-E.
Kadalasan, san ba ang pigsa? Eh, yung pimples na malaki eh, ang tawag na natin dyan, pigsa na yan. Tapos sa pwet? Yung iba, sa kilikili. So pag-uusapan natin, sino ba yung madalas magkaroon ng pigsa, saan ba kadalasan tumutubo ang pigsa, ano bang dahilan bakit nagkakapigsa?
Ano ba ang Pigsa talaga?
Unang-una, pag sinabing pigsa, ang alam natin kaagad eh may bumukol, tapos mapula, mainit, at pag tiningnan mo, pwedeng pag itoy tinatawag, yung hinog na parang merong nakikita kang kulay puti o medyo yellowish na mata. Yang mata na yan, minsan ang sarap-sarap tirisin? Yung iba, pinuputok.
Halimbawa ng panganib ng pagkakaroon ng Pigsa
Nabalita di ba na yung anak ni Henry, si Junior, yung apo ni Henry Senior, ay pumanaw, at ang sinasabing dahilan ay sepsis o kaya septic shock. Pag pinag-uusapan natin yung septic shock, nagmula yan sa sepsis, yung sepsis naman ay impeksyon sa dugo. Ngayon, bakit ko tinalakay ang pinag-uusapang pigsa, anong kinalaman? Kasi nabanggit ko kanina na wag nating titirisin, pipilitin natin na matigas pa yan at pinipindot ninyo, pinipilit niyong ilabas, pero minsan instead na lumabas, baka paloob, at itoy pwedeng humalo sa dugo at madala sa iyong buong katawan, ang tawag dun, sepsis, impeksyon sa dugo. So may kinalaman.
Ano na yung dahilan bakit nagkakaroon ng pigsa?
Ang pigsa, may kinalaman sa impeksyon sa ating balat na nagmula doon sa ugat ng buhok, hair follicle na tinatawag. So di ba ang ating balat ay may mga maliliit na buhok yan, yung pinakailalim niyan, ang tawag mo ron, yung hair follicle o kaya hair root. Minsan hindi maiwasan na sa balat, pumapasok yung dumi na may kasamang bacteria, at itong bacteria na to na impeksyon, yung pinaka root, yung pinakailalim, kaya dun nagmumula yung impeksyon, palabas ngayon. So kaya nararamdaman niyo yung sakit dahil sa umuumbok yung balat niyo. Eh pag hindi pa hinog at nagmumultiply pa yung abscess,ayan ang dahilan kung bakit parang banat na banat at masakit.
Kaya maaring sabihin niyo ba, nung pumutok yung pigsa, nawala yung sakit kasi nabawasan yung pressure. Eh diba ang turo, ay kumuha ka ng bote ng softdrinks, baliktarin mo, pagkatapos, ibaon mo dun sa mata nung pigsa. Ay, wag niyong gawin yan, lalo na kung hindi pa hinog, ibig sabihin matigas pa at nagparami pa rin ng parami yung abscess o nana.
Importante yan, dahil karamihan satin, aminin man o hindi, eh pag may pigsa, yung iba hindi naman pupunta sa doktor, “Doktor, gamutin mo nga, may pigsa ako kasi.” Eh, balewala yan, kusang gumagaling yan.
At meron namang iba na ilang araw na o linggo na hindi gumagaling, yan yung mga dapat magpatingin sa doktor, kasi maaaring kailangan ng mga surgical procedure, kung saan hinihiwa, literal hinihiwa para ilabas yung nana at linilinis sa loob.
Bakit nga ba pabalik balik ang pigsa?
Eh, “Pigsain, kada buwan na lang, may pigsa ako, palipat-lipat, minsan sa pwet, minsan dito sa may hita, minsan dito sa kilikili, minsan sa mukha, minsan dito sa batok o kaysa likod, no?” Pero bakit pabalik-balik? Hindi ba natin naisip na number one, baka naman po ginamot natin, nagtake tayo ng antibiotics, base sa payo ng doktor, pero hindi natin sinunod yung tamang regimen o tamang duration ng pag-inom ng antibiotics?
Bibigyan ko kayo ng halimbawa. Madalas nating marinig na pag nag-inom ng antibiotics, maaaring pitong araw, maaaring limang araw, at maaaring dalawang linggo. At meron namang iba, buwan pinapainom yung antibiotics. Isang halimbawa ng isang buwan pinapainom yung antibiotics, yung mga impeksyon sa prostate, kadalasan yung, prostatitis, isang uri ng impeksyon sa prostatan ng lalaki. Pag pinainom ng antibiotics yan, medyo matagal, dalawang linggo, apat na linggo. May iba naman, “Oh, for example, nagpabunot ng ngipin, ang sabi ng doktor, ‘Oh, magprofilaxis antibiotic tayo,’ ibig sabihin nun, binunutan ka ng ngipin, at kung high risk ka magkaroon ng impeksyon, lalo na kung diabetic, maari mag advice yung doktor, ‘Oh, sige, mga dalawa-tatlong araw na antibiotics lang,’ parang preventive o profilaxis ang tawag. Minsan binibigay din hanggang limang araw, maski walang impeksyon, ang tawag, profilaxis.
Pag sinabing profilaxis, ibig sabihin preventive o prevention, iniwasan mo magkaroon ng impeksyon, yun yon. So kadalasan pag diabetic ang pasyente, ay kinakatakutan ng dentista diyan, baka pag bunutan ka ng ngipin, eh baka matagal gumaling dahil mataas ang sugar o kaya magkaroon ka ng infection dahil prone to infection pag diabetic. So ngayon, ito pinapaliwanag ko, kung paulit-ulit po yung pagkakaroon niyo ng pigsa, baka nga isa, hindi niyo na gamot ng tama o hindi kumpleto pag gamot niyo.
Ngayon, bakit ho pinag-uusapan to? Kasi pag sinabing inumin mo yung antibiotic ng limang araw o pitong araw, kadalasan sa unang dalawa, tatlong araw pa lang ng pag-inom ng antibiotics, nakakaramdam na ng ginhawa ang pasyente, tapos ititigil nila, na hindi nila tuluyang lubusan na napatay yung mga bacteria. So ano ngayon? Eh nandun yung bacteria, after mga ilang linggo, aba, naging active muli. Pagkatapos, bukod sa naging active, nakilala niya na yung antibiotics na ininom mo noon. Halimbawa, nag-amok, sisilin ka ng dalawa-tatlong araw lang, eh sabi ng doktor, “Mga five to seven days mo yan iinumin.” So naging resistance.
Bacteria na kagaya ng nasa Pigsa na resistant sa antibiotics
So meron tayong tinatawag na mga bacteria na resistance sa antibiotics. Dun naman ngayon papasok yung binigyan ka ng antibiotics, tapos inulit yung antibiotics na yun, paulit-ulit yun ang iniinom mo, nagkaroon ka ng resistance. So maaring i-advice ng doktor na ipa-culture, i-culture, ibig sabihin yung abscess o yung pus, na nakuha doon mismo sa sugat mo, ay dadalhin sa laboratoryo, gagawan yan ng mga tinatawag na petri dish, swabbing para i-culture, at i-sensitivity testing, kung saan malalaman kung ano yung specific na bacteria na present yan sa inyong boil o pigsa, at malalaman din kung saan ka sensitive na antibiotics.
So pag binigyan ka ngayon ng antibiotics ng doktor, swak at mapapatay niya ngayon yang bacteria na yan. Bagamat ang number one na bacteria sa pigsa yung tinatawag na Staphylococcus aureus, S-A ang tawag, eh maraming klaseng kumbaga sa variant ng covid, maraming variant din ang Staphylococcus. So inaalam din yan kung ano yung specific na bacteria na mapapatay sa tamang antibiotic.
So yan po yan, kaya kung meron po sa inyo na pabalik-balik, paulit-ulit, buwan-buwan na lang nagkakaroon ng pigsa, eh baka yan ang isa sa paraan na pwedeng gawin. Ngayon, ano yung mga posibleng symptoms, ano yung mga pwedeng maramdaman ng isang tao may pigsa?
Sintomas ng isang tao na may Pigsa?
Natural masakit. Eh isipin mo kung pagpalagay natin sa puwet, eh kada upo mo, di mo alam yung tamang pwesto. Eh kung nandun palagi natin sa singit, pwede sa may groin, sa singit, pwede nga sa mga babae sa vagina mismo, sa wall of the vagina nagkakapigsa, sa lalaki sa scrotum, sa scrotum ibig sabihin yung bayag yan pwede naman sa kili-kili, sa axilla na tinatawag, aba kadalasan pag sa axilla, mga babae madalas magbunot ng buhok sa kilikili. Yan so magtataka ka, bakit ang may bukol, akala niyo ay meron akong kulani, hindi pala, kulani, pigsa pala.
Saan pa, sa mukha, minsan ang laki-laki, “Oh, pimples,” ang dahilan ng pimples at ang dahilan ng pigsa, halos pareho yun, so yung iba sa likod, yung iba naman pwedeng sa leeg o kaya sa may batok yan ang mga kadalasang area, pero nangyayari sa hita, nangyayari sa binti, di ho ba?
So maski saan pwedeng tubuan, kadalasan yung mga area na medyo singit-singit, mga pawis-pawisin ganyan, tapos kadalasan kung mainit ang panahon, tuwing summer, kaya madalas nating marinig, kagaya ngayon, Marso, Abril, eh kada taon dito sa Pilipinas ang balita, ay tungkol dun sa mga preso na nasa kulungan, pagkatapos nagkakahawaan sila ng pigsa dahil sa mainit, tapos kulob-kulong na lugar. So yan ang mga dahilan.
Ano yung mga risk factor kapag mayroong pigsa?
Ito pakinggan niyo po ito, mahalaga to. Pag sinabing risk factor, sino, sino sa inyo ang mga posible na magkaroon ng pigsa? Bagamat lahat posibleng magkaroon, pero meron pong tinatawag na mga tao na high risk, high risk ibig sabihin sila yung mas malaking tsansa na magkaroon ng pigsa. So ito po, isa-isahin ko ha, pakinggan niyo.
Lahat ng tao na nakitaan ng paghina ng immune system, so pag bumagsak ang iyong natural na resistensya, kaya magtataka kayo, “Bakit ganun, nagkaroon ako ng maraming pimples?” Bumagsak ang resistensya. Yung mga tao na may mga sakit na diabetes, chronic infection o kaya cancer, yung mga may conjunctivitis, yung madalas magkaroon ng mga stye, parang pigsa sa mata, stye ang tawag o kuliti ang tawag ninyo sa Tagalog.
So yung mga may allergic reaction, so yung mga na may nakakain, nag-aallergy, o kaya may naamoy lang, nag-allergy, so ito yung mga yan. So yung mga may skin problem, eksema, so pwede rin magkaroon ng boil yang mga yan.
Gaano kadalas magkaroon ng Pigsa?
Three out of one hundred, yan ang survey na yan eh sa US, no. Dito sa Pilipinas, wala tayong survey, pero sa US yung binanggit ko kanina. Na ngayon pag meron kayong mga tinatawag na pigsa, wag na wag niyong titirisin ha, tandaan nyo yan, number one. Ngayon pag marami, iba yung pigsa na isa lang di ba, pero pano kung marami, pakalat-kalat at palipat-lipat ng lugar at hindi gumagaling, ang tawag na diyan iba na, hindi na furuncle ang tawag, carbuncle.
Tandaan niyo ah, yung kanina, furuncle, yung isa-isa lang, paisa-isa, pero pag yung sobrang dami na, tas ang lalaki, palipat-lipat, ang tawag, carbuncle.
Pano nasasabi ng doctor na pigsa ito?
Alam mo, minsan ang doctor kasi, clinical eye lang eh, pagkatingin mo pa lang, alam mo na kung anong problema. So tatanungin ka ng doktor, “Ilang araw na ba to? May iba sasabihin, “Ah, three days ago pa lang.” Ano bang ginawa mo three days ago? Ah, bakit nagkaroon ka ng ganyan? Eh nasundot ako ng parang pardible na maliit.” Eh, pagsundot yun, dun na nag-umpisa, nagkaroon ng impeksyon.
Okay, nagbunot ako ng buhok ng kilikili ko, o kaya yung mga misis na iba diyan o mga, baka pupunta magbibikini, baka gusto mag bunot-bunot ng buhok doon, oh merong mga babae di ba, nagbubunot kayo ng buhok doon.
Pagdatng sa diagnose ng pigsa, ang doktor ay maaaring mag-rely sa klinikal na mga palatandaan, tulad ng init, pamumula, at sakit ng bukol. Ang pagkuha ng sample ng abscess para sa culture at sensitivity test ay maaaring gawin upang matukoy ang tamang antibiotic na gagamitin. Ang blood test, lalo na ang CBC (Complete Blood Count), ay maaaring magbigay ng ideya sa doktor kung may mataas na antas ng mga white blood cells, na maaaring sumubok ng impeksyon.
Paano makaiwas sa pabalik balik na Pigsa?
Para maiwasan ang pigsa, ang mga payo ay maaaring kasama ang pag-iingat sa pag-ahit, paggamit ng malinis na mga damit at kumot, at pag-iwas sa pagsahing ng mga gamit na maaaring magdala ng bacteria. Ang paggamit ng mga hand sanitizer at alcohol ay maaaring maging proteksyon laban sa mga impeksyon.
Ang paggamot sa pigsa ay maaaring kabilang ang paggamit ng mga oral o topical na antibiotic, o kahit na ang paggamit ng mga antibiotic na dinadaan sa swero (intra-venous) sa mga mas malubhang kaso. Ang pinakamahalagang paalala ay huwag mag-self medicate at hingin ang payo ng doktor para sa tamang paggamot.
Sa mga kaso ng pimples o pigsa sa mukha, lalo na sa mga sensitibong lugar, ang pag-iwas sa pagtiris at paghingi ng payo ng doktor ay mahalaga upang maiwasan ang mga komplikasyon.
Iba pang mga babasahin
Paano gamutin ang Pigsa sa Tenga?
Gamot sa Pigsang Dapa, Pigsa na walang mata
Gamot sa Pigsa na Home remedy- 10 Halimbawa
Ano ang antibiotic na mabisa para sa Pigsa?