Sa araw-araw na gawain natin, ay hindi nawawala ang paglilinis ng ating katawan. Tinitiyak lang naman natin na laging malinis ang mga ibat-ibang parte nito. Ngunit alam mo ba na ang sobrang linis ng ating katawan ay maaaring maging dahilan pala ng pagkakaroon ng sakit? Sabi nga nila, ang sobra ay nakakasama. Kaya naman hindi masamang maging mabaho, este marumi kung minsan, nang sa gayon ay maiwasan at kayang malabanan ang anumang mga bacteria o virus na maaaring dumapo sa atin.

Nakaranas ka na ba ng pigsa?

Ito ay karaniwang sakit lamang, ngunit kung mararanasan, ay sadyang napakasakit, makirot at nakakairita, lalo na kung sa iyong tenga ito tutubo. Paano nga ba nagkakaroon ng pigsa sa ating tenga? Kung isa ka sa mga taong hindi maiwasang maglinis ng kanilang tenga sa araw-araw, ay malamang na malaki ang tiyansa na magkaroon ka ng pigsa sa iyong tenga, dahil ang sobrang paglilinis sa tenga ay maaaring magdulot ng impeksyon, pigsa at pagkasira ng iyong ear drum. Ang nararapat na gawin ay hayaan na lamang na lumabas ang dumi sa iyong tenga. Nakakadiri mang pakinggan, pero ito ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon at pigsa sa iyong tenga.

May dalawang uri ng impeksyon sa iyong tenga na maaari mong maranasan. Una, ito ang swimmer’s ear, o impeksyon sa labas ng ating tenga. Madalas nadapuan nito ang mga taong mahilig maligo sa dagat. Sa paglalangoy at pagligo mula sa dagat, ay maaaring makakuha ng impeksyon tulad ng bacteria at punggos. Kapag ito ay pumasok sa inyong tenga, makakaranas ka ng pangangati ng tenga, pagkirot at mabahong earwax. Upang maiwasan ito, tiyaking malinis ang iyong pagliliguan, gumamit ng earplug sa paglalangoy, ng sa gayon ay maiwasan ang pagpasok ng tubig sa iyong tenga. Bukod pa rito, maaaring protektahan ang tenga gamit ang oil, patakan lamang ito bago lumusong sa tubig.

Pangalawa, ito ang middle ear infection, o impeksyon sa loob ng tenga. Ang kondisyon na ito ay karaniwang nararanasan ng mga bata, ngunit hindi lamang bata ang maaaring makaranas nito, dahil kahit ang mga matatanda ay nagkakaroon din nito dahil sa sipon, sinusitis at allergy. Ang sipon na nararanasan ay pwedeng mapunta sa tenga sa pamamagitan lamang ng isang maliit na konektadong tubo. Ito naman ang mga sintomas na maaaring maranasan kapag may impeksyon o pigsa sa iyong tenga: pagkalagnat, pamamaga ng tenga, nakakaramdam ng pananakit sa loob ng tenga, paglabas ng nanang tubig, pagkakaroon ng puwersa sa loob ng tenga na hindi na aalis, pagkabarado, paghina o pagkabingi.

Mga dahilang ng Pigsa sa Tenga

Impeksyon ng Hair Follicle

Ang pigsa ay karaniwang sanhi ng bacterial infection sa hair follicle, at ang tenga ay may buhok sa loob ng auricle (panlabas na bahagi ng tenga) at sa loob ng ear canal. Ang impeksyon sa mga hair follicle sa mga lugar na ito ay maaaring magdulot ng pigsa.

Bacterial Infection

Ang bakterya, tulad ng Staphylococcus aureus, ay maaaring pumasok sa mga maliliit na sugat o mga microtrauma sa balat ng tenga, na nagiging sanhi ng pigsa.

Pag-block ng Ear Canal

Ang pag-ipon ng earwax (cerumen) o iba pang mga bagay sa ear canal ay maaaring magdulot ng pamamaga at pagbuo ng impeksyon, na maaaring magresulta sa pigsa.

Trauma o Irritation

Ang anumang trauma o patuloy na pag-irritate sa bahagi ng tenga, tulad ng pagkakabraso, panggamit ng mga earphones, o pagkamot, ay maaaring magdulot ng impeksyon at pigsa.

Pagkakaroon ng Sebaceous Cyst

Ang mga sebaceous cyst ay maaaring magdulot ng pamamaga at magmukhang pigsa, lalo na kung ang cyst ay nagiging impeksyon.

Hygiene Issues

Ang kakulangan sa tamang kalinisan ng tenga o madalas na pagkakababad sa tubig na kontaminado ay maaaring magdulot ng impeksyon na nagiging sanhi ng pigsa.

Paano gamutin ang Pigsa sa Tenga

Mga lunas na maaaring gawin upang maibsan ang sakit na nararamdaman:

Una, kumuha ng kapirasong malinis na tela at mainit na tubig. Ang inihandang tela ay ibabad mula sa kumulong tubig, pigain ito at itapal sa labas ng iyong tenga na nakakaranas ng pigsa at pamamaga. Ang paraan na ito ay makatutulong sa pagpisa ng pigsa.

Pangalawa, maaari ring gawin ang cold compress upang mabawasan ang sakit at pamamagang nararanasan. Ibalot lamang ang yelo sa isang malinis na tela at itapal ito sa apektadong tenga ng lima hanggang sampung minuto.

Pangatlo, humiga sa kama na parang nakaupo upang matulungang maalis o bumaba ang earwax sa loob ng tenga. Mababawasan rin ang puwersa na nararamdaman sa iyong tenga.

Pang-apat, uminom ng maraming tubig ng sa gayon ay hindi madehydrate at matulungang lumabnaw ang sipon na bumara sa tenga habang ang pigsa naman ay maaaring pumutok at lumabas ang nana. Sabayan rin ng madalas na paglunok.

Panglima, uminom ng over-the-counter na pain reliever. Maiibsan ito ang kirot o pananakit na nararamdaman.

Pang-anim, magmumog ng isang basong maligamgam na tubig na may asin.

Pangpito, kung hindi pa nawawala ang sakit na nararamdaman, ay mainam na kumunsulta sa doktor upang mabigyan ng antibiotic at ear drop na lubusang makapagpapaginhawa sa iyo.

Kailangan din ba ng antibiotics sa Pigsa sa Tainga

Narito ang mga pinaka-common na dahilan kung bakit kailangan din ng antibiotic sa pigsa sa Tenga.

Kung ang pigsa ay nagdudulot ng matinding sakit, pamamaga, o pamumula na kumakalat sa paligid ng tainga, maaaring kailanganin ng oral o topical antibiotics upang kontrolin ang impeksyon.

Kung ang impeksyon mula sa pigsa ay kumalat sa iba pang bahagi ng katawan o nagdudulot ng lagnat, ang paggamit ng antibiotics ay maaaring kinakailangan upang maiwasan ang mas seryosong komplikasyon.

Kung ang pigsa sa tainga ay hindi gumagaling sa kabila ng tamang pangangalaga, maaaring magreseta ang doktor ng antibiotics upang makatulong sa pagpapagaling.

Kung ikaw ay may mga kundisyon tulad ng diabetes o isang mahina ang immune system, maaaring mas mataas ang panganib ng malubhang impeksyon, kaya maaaring irekomenda ng doktor ang paggamit ng antibiotics.

Halimbawa ng Antibiotics sa Pigsa sa Tenga

Cephalexin
Amoxicillin-Clavulanate
Clindamycin
Dicloxacillin
Ciprofloxacin (lalo na kung may kasamang otitis externa)

Kailangan din bang paputukin ang pigsa sa Tenga?

Panganib ng Impeksyon

Ang pagpapaputok ng pigsa sa sarili ay maaaring magdulot ng karagdagang impeksyon, lalo na sa mga maliliit at sensitibong bahagi ng tainga. Ang hindi tamang paraan ng pagpiga ay maaaring magpakalat ng bakterya sa paligid ng impeksyon.

Pagkalat ng Impeksyon

Ang hindi tamang paghawak o pagpiga ng pigsa ay maaaring magdulot ng impeksyon sa mas malalim na bahagi ng tainga o sa iba pang mga bahagi ng katawan.

Pagdudulot ng Sakit o Pinsala

Ang pagputok ng pigsa sa tainga ay maaaring maging napakasakit at maaaring magdulot ng pinsala sa mga maseselang bahagi ng tainga, tulad ng ear canal o eardrum.

Pangangailangan ng Professional Drainage

Sa halip na subukang paputukin ito sa sarili, mas mainam na magpakonsulta sa doktor. Ang doktor ay maaaring magsagawa ng sterile drainage procedure kung kinakailangan, gamit ang tamang mga instrumento at pamamaraan upang maiwasan ang komplikasyon.

Listahan ng clinic para sa Pigsa sa Tenga sa Manila

Manila Doctors Hospital

  • Address: 667 United Nations Ave, Ermita, Manila
  • Contact Number: (02) 8558-0888

Philippine General Hospital (PGH)

  • Address: Taft Ave, Ermita, Manila
  • Contact Number: (02) 8554-8400

Ospital ng Maynila Medical Center

  • Address: Quirino Ave, Malate, Manila
  • Contact Number: (02) 8524-6061

University of Santo Tomas Hospital (USTH)

  • Address: España Blvd, Sampaloc, Manila
  • Contact Number: (02) 8731-3001

Metropolitan Medical Center

  • Address: 1357 G. Masangkay St, Tondo, Manila
  • Contact Number: (02) 8812-0843

Manila EENT Hospital

  • Address: 1051 Don Quijote St, Sampaloc, Manila
  • Contact Number: (02) 8735-9389

Iba pang mga Babasahin

Gamot sa Pigsang Dapa, Pigsa na walang mata

Gamot sa Pigsa na Home remedy- 10 Halimbawa

Ano ang antibiotic na mabisa para sa Pigsa?

Paano gamutin ang Pigsa sa Batok

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *